“ANG BUHAY BASKETBOLISTA”

    

      Ako nga pala si Jeffrey, magaaral at nagtatrabaho ng sabay ngayon, Isang subject sa iskwela ang nagrequire sa amin na sumulat ng blog tungkol sa sarili naming. Kahit ano, kahit anong pwede naming maibahagi at naiisip naming kalibang-libang sa ibang mambabasa.
     Unang pumasok sa isip ko ang basketball, hilig ko kasi yun at di naman natin maitatangi na karamihan sa ating mga pinoy ay mahilig sa larong ito. Mapa bata man yan o matanda, lalake o babae, parang lahat ng pinoy iba ang kilig na naibibigay nito sa atin. BASKETBALL ?? Ano nga bang kwento ang pwede kong maibahagi sa inyo tungkol dito?Well umpisahan natin nung bata pa ako lagi kong kasama ang nakakatanda kong kapatid, ang kuya kong si “Jhay” ang nag-indroduce sa akin ng larong ito. Alam nyo ba ang pakiramdam ng “na love at first sight” ganun ang naramdaman ko habang nakikita kong patalbug-talbong sa kamay nila nag bola. Kasabay ng pagtalbog ng bola ang pintig na nararamdaman ng aking puso na kabado sa kung masshoot ba ang bola sa ring nung pinahawak ng kuya ang bola sa mga kamay ko. Simula ng araw nay un, sinabi ko na sa sarili ko na “ETO NA YUN”.

     Nakatira kami malapit lang sa basketball court n gaming barangay, halos araw-araw pagkatapos ng klase ako na ang laman ng court, nakatsinelas lang kapag minsan pero ayun takbo dito,takbo dun, iba yung diterminasyun kong patuto ng larong ito. Masasabi ko talagang masaya ako kapag naglalaro , di maiwasang madapa,masiko,masugatan,mapilayan at kung anu-ano pang klase ng sakit sa katawan. Parte na talaga yun, sabi nga nila “NO PAIN,NO GAIN” sa sobrang dami ng kalmot,siko at bola na tumama sa akin, NO SPACE FOR NEW PEKLAT na ang mukha ko.Basag na mga kilay,labi at baba, parang nagging normal nalang pagkatapos ng laro. Hangang sa nag high-school ako, dun ko naranasan yung unang heartbreak ko. Hindi dahil sa chicks kundi dahil di ako nakuha sa varsity team ng iskwuelang pinapasukan. Di ko alam kung anong nangyari, kung saan ako nagkulang, binigay ko naman lahat pero hindi pa rin pala sapat.Ang sakit-sakit!!sobrang sakit !! So dahil kailangan kong mag-move on, nakahanap ako ng rebound katulad sa talagang mahal ko, ayun sumali ako sa volleyball team, dun ako nakuha. Andun yung pakiramdam na masaya pero may kulang kaya kahit naglalaro ako sa iskwuela di ko maiwasan na bumalik-balik pa din sa first love ko na basketball paminsan-minsan. Hangang sa nagtapos ako ng high-school,nahinto ako at di na nakapagkolehiyo dahil sa maraming dahilan. Nag-umpisa akong magtrabaho,mag part time at humanap ng pagkakakitahan dahil sa hindi muna ako nakapag-aral mas marami na ang oras ko na makapag ensayo at maglaro mg basketball ulit.

Comments